Sa aking pakikinig marami akong natutunan. Una dun ang “Si Pele ang Diyosa ng Apoy at Bulkan”, Mitolohiya, Mga uri at element ng Dulang Pantanghalan, “ Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan”, Ang Tula at mga element nito.

Sa kwentong “Si Pele ang Diyosa ng Apoy at Bulkan”, Maramimg mapupulot na aral sa kwentong ito. Una dito ang pamilya, importante na nagmamahalan ang isa’t-isa, na sinusunod natin ang mga payo ng mga magulang natin. Hindi maganda na hindi nagkakasundo ang mga magkapatid o laging nag-aaway, bagkus ay magmahalan o kalimutan na lang ang mga masamang nangyari. Kahit anong mangyari sa atin na masama o malungkot ay nandyan ang pamilya natin para damayan tayo dahil sila ang mas nakakaintindi sa atin. Walang magandang maidodolot ang paghihiganti sa isang tao na ang ikakalabas nito ay masama at dapat hindi tayo maghiganti kung may magawa man na masama ang isang tao. Dapat marunong tayong humingi ng tawad sa nagawan natin ng masama at dapat marunong din tayong magpatawad dahil yun ang sagot sa taong humihingi ng tawad na bukal sa puso. Hindi dapat tayo maging makasarili dahil pweding may maapektuhan dahil sa pagiging makasarili natin sa mga problema at hindi din dapat tayo mawalan ng tiwala sa taong pinagkakatiwalaan natin. Dahan-dahan sa pagdedesisyon sa bawat sitwasyon na maaring ikasama ng iba, ang pagdedesisyon ng mali ay may kahahantungan na masama na pagsisisihan ang nagawang pagkakamali.
Halimbawa ng tula:

Ang mitolohiya ay ang mga katang isip patungkol sa mga taong may mga kakayahan o kapangyarihan na hindi maaring mangyari sa totoong buhay o hindi tinataglay ng normal na tao o tinatawag na diyos at diyosa.ang Naging tanyag ang Mitolohiyang Griyego dahil sa mga magagandang kwento nito. Nagsalin-saling ang mga kwentong mitolohiya sa iba’t ibang henerasyon may nababawasan at may nadadagdagan sa mga pangyayari nito. Ang mitolohiya ay nilikha para maaliw at mamangha ang mga mambabasa at matuto sa mga magandang aral sa buhay. Sa pilipinas may mitolohiya din, ang ating mitolohiya ay may diyos at diyosa din katulad ng bathala ang pinakamakapangyarihang diyos. At may mga tauhan ang mitolohiya sa pilipinas na kilala tulad nina Malakas at Maganda pati ang diwata, kapre, aswang, engkanto at iba pa.
Meron tayong Uri ng Dulang Pantanghalan ito ang trahedya, parodya, parse, saynete, komedya, melodrama, at ang tragikomedya. Trahedya ay ang mga kalunos-lunos na pangyayari sa isang tauhan at nagwawakas ito sa malungkot. Parodya may ginagaya na katawa tawa, ginagaya ang kilos at salita. Ang parse ay isang dula na walang saysay na puno ng katatawanan na kadalasan nakikita sa comedy bar. Ang saynete ay pumapatungkol sa pananakop ng espanyol sa pilipinas. Ang komedya na katatawanan lamang. Ang melodrama puno ng malulungkot na parang hindi na naubusan ng problema. Ang tragikomedya ay pinaghalung kasawian at katatawanan na hindi nawawalan sa isang tao ang problema pero nandun pa rin ang katatawanan sa buhay. At kung may uri may element ng dulang pantanghalan, ito ang simula na may dalawang sangkap, ang tauhan na dapat sa umpisa palang sinasabi na kung ano ang gagampanan at ang tagpuan kung saan naganap ang eksena. Ang gitna na dapat may daloy o pagkakasunod- sunod ng pangyayari. Sa gitna din makikita ang salit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan. Ang wakas dito naman matatagpuan ang kakalasana at wakas. Sa kakalasan dun unti-unting bumababa ang takbo ng pangyayari at wakas ay maaaring malungkot o masaya.
Ang natutunan namin sa tula na "Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan” ay Sakripisyo, Madalas ginagawa ng bukal sa loob, minsan isinusumbat. Parte ng bhay ng tao ang problema na madalas nating isinisisi sa atig sarili at sa Diyos ang mga nangyayari. Pero naisip ba natin kung saan tayo natututong tumayo at labanan ang mga problema? Sa Libro? Teknolohiya? Hindi. Ito ay bunga ng isang bagay na kahit alam nating mahalaga ay ipagtatabuyan natin at kailangan ng pagsasakripisyo. Nagsasakripisyo tayo dahil sa mga taong mahal natin.
“PANGARAP”
By. Kenneth T. Unico
Ako’y isang bata nangarap ng maliit
nagsisikap maabot ang mithiin ko,
Na ang layunin makatulong sa kapwa
Lalung-lalu na sa aking pamilya,
Mapanglarong buhay puno ng pangarap
Sana’y makamit ang buhay na masarap,
Pangarap kong lumipad sa kalawakan
Hiling sa tala ay patnubayan ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento